Before Jollibee or even Tropical Hut came out with the Filipino version of the Italian Spaghetti, there was Makati Supermarket’s spaghetti sold in their coffee shop sa saktong tapat ng entrance ng The landmark. This is probably how the sweetish Filipino spaghetti evolved. Kung maasim ang Italian Spaghetti, ang bersyon ng Pinoy ay matamis!!!Filled with vienna sausage, ham strips, ground beef and grated cheese, the sauce of Makati Supermarket’ spaghetti is sweet with a tinge of spiciness. Naalala ko pa ang serving nun di ko talaga maubos ubos, e paano ba naman 25 pa laang ang waist line ko nuon compared sa 38 na ngayon he he he. Dun sa mga di pa na experience ang kakaibang sarap ng Makati Supermarket Spaghetti kasi wala na sila after giniba yung original arcade to give way sa construction ng Glorietta (but if I remember it right, nasunog yata ang Makati Supermart nung late 80's even before all arcades at the Makati Commercial Center were torn down), matatagpuan pa sila sa Makati Supermarket sa Alabang Town Center (ka-bak to bak ng Luk Yuen), at dinig ko, meron din silang branch sa Cash and Carry sa may South Super Highway sa Makati. Kung taga Malabon o Navotas ka, sulit pa din ang byahe pa Alabang he he he. naku, plugging na ito...dapat sumingil na ako sa kanila he he he
P.S. di nagbago ang lasa ng spaghetti mula nuon hanggang ngayon...di tulad ng baked mac ng Greenwich, super yummy din yung original recipe nila nuon sa Fast food sa makati at sa Greenhills...nakakaubos ako ng 2 servings in one sitting with my 25" waist and 98 Lbs frame! Miss ko na din yun!!!

No comments:
Post a Comment